President Duterte
President Duterte

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang ginagawang pagmumura sa publiko.

-- Advertisement --

Sa kaniyang talumpati sa lungsod ng Pasay, sinabi ng Pangulo na ang pagmumura ay hindi isang krimen.

Sinabi nito na hindi ibig sabihin na kahit isa kang opisyal ng gobyerno ay hindi ka na maaaring magmura.

Mula pa aniya noong ito ay alkalde sa Davao City ay nagmumura na siya.

Inihalimbawa nito ang napanood daw niya na pelikula na mayroong mahigit 400 na pagmumura ang kaniyang nailista sa loob ng halos dalawang oras na haba ng pelikula.