Rep Rufuz Rodriguez
Rep Rufuz Rodriguez

CAGAYAN DE ORO CITY – Napapanahon na umano para maging heinous crime ang hazing sa bansa.

Ito ang iginiit ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufuz Rodriguez matapos masawi si PMA cadet 4th class Darwin Dormitorio dahil sa umanoy hazing sa loob ng akademya.

Ayon kay Rodriguez, kanyang sisikapin na maging prayoridad sa Kamara ang pag-elevate sa hazing bilang heinous crime.

Naniniwala ang mambabatas na sa pamamagitan nito, hindi na makalabas sa pi-itan ang mga hazing convicts at hindi na rin sila magiging beneficiaries ng good conduct time allowance (GCTA law).

Nauna rito, ipinangako rin ng kongresista na gawin nilang prioridad ang pag-iimbestiga sa panibagong hazing case sa PMA at sa gayu’y mabigyan ng mabilisang hustisya ang pagkasawi ni Dormitorio.