Reading Time: 1 minute

CAUAYAN CITY- Pinag-usapan sa Conference ng Asian Labor Ministers sa Singapore ang future of work in asia dahil sa pangambang mawalan ng trabaho ang mga tao sa asya dahil sa papalitan na ng mga robot

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa nasabing conference ay pinag-usapan nila.

Napag-kasunduan anya ng mga Asian Labor Ministers na hindi nila papayagan na mawawalan ng trabaho ang mga tao nang dahil sa mga robot.

Sinabi pa ni Labor Secretary Bello na ang kanilang pagpupulong ay bilang paghahanda sa kanilang pagdalo sa International Labor Organization Conference sa buwan ng Hunyo.