ILOILO CITY – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magiging patas sila sa pagdesisyon sa lehitimong standard bearer ng ruling party na PDP-Laban.

cropped Commissioner Rowena Guanzon
Comelec Comissioner Rowena Guanzon

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Comelec Comissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na iisa lang ang papanigan ng en banc na magiging kinatawan ng ruling party sa 2022 elections.

Ito ang iginiit ni Guanzon sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng PDP-Laban Cusi at Pacquiao faction.

Ayon kay Guazon, maaring magsumite ng kanya-kanyang certificate of candidacy (COC) ang bawat faction, ngunit sa huli, iisa lang ang pipiliin na kinatawan ng ruling party at ang isang pangkat ay magiging independent candidate.