-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ilang mga international observers na ang nakaabang sa nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bahagi ng isla ng Palawan sa susunod na linggo.

Ang hakbang daw kasi ni Harris ay posibleng umani ng atensiyon sa China lalo na at malapit ang lugar sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Kamala Harris VP

Sinasabing pagnagkataon si Harris na ang highest-ranking American official na bibisita sa Palawan na konektado rin sa Spratly Islands.

Kung maalala ilang isla sa Spratlys ay ginawang military base ng China, mga pantalan at airstrips.

Ang ilang bahagi rin ng Spratlys ay inaangkin din hindi lamang Pilipinas at China kundi ang mga kalapit din na mga bansa tulad Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

Una na ring sinabi ng ilang mga eksperto na ang kalapit na karagatan ng West Philippines Sea ay nakaimbak doon ang massive oil and gas deposits.

Ang rehiyon din na ito ay sentro ng kalakalan na tinatawang nasa $5 trillion kada taon pero itinuturing na flashpoint para sa China at maging ng Amerika dahil sa naval operations.

Naniniwala naman ang South China Sea expert na si Gregory Poling na ang pagbisita ng bise presidente ng Amerika sa bahagi ng Palawan ay isang malaking mensahe para sa Pilipinas na makaiwas din sa galit ng China dahil hindi naman parte ang Palawan sa pinag-aagawang teritoryo.

Para sa ilan pang mga eksperto ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay pagkilala sa kahalagahan ng West Philippines Sea bilang parte ng alyansa ng Pilipinas at Amerika sa hinaharap.

Kabilang pa sa tampok na pagbisita ni VP Harris ay sa isang military facility na bahagi ng U.S.-Philippines Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, na siyang dumidepensa at nagpapatrolya sa ilang bahagi ng Spratly Islands sa West Philippines Sea.