Mariing pinabulaanan ni Health Sec. Francisco Duque III ang isyung pinatitigil na nila ang pagbilang ng mga namamatay sa COVID-19.
Reaksyon ito ni Duque, makaraang magbahagi ng impormasyon ang TV host na si Arnold Clavio ukol sa sinabi raw sa kaniya ng isang frontliner sa Metro Manila na pinagbawalan nang magbilang ng mga nasasawi sa deadly virus.
Dagdag pa sa social media post ni Clavio, nakakalat lang sa hallway ng hindi na tinukoy na ospital ang mga patay at may mga frontliner pang nahawa.
Sa panig ni Duque, iginiit nitong hindi totoo at hindi mangyayaring diktahan nila ang mga ospital na itago ang data ukol sa mga nasasawi sa COVID-19.
Hiling pa nito kay Clavio, ilahad sa kaniya ang pangalan ng ospital para kanilang maimbestigahan sa lalong madaling panahon.
“The DOH did NOT and will NEVER issue a directive for hospitals to conceal the number of COVID-19 deaths. Mr. Clavio disclosed to me the hospital allegedly involved in this issue and we will investigate IMMEDIATELY,” wika ni Duque.