-- Advertisements --
Nakakuha na ng kasiguraduhan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa kumpanya na may hawak an Beep Card na pupunan nito ang kakulangan.
Sinabi ng kalihim na aabot sa 300,000 na mga Beep Card ang kanilang ilalagay sa tatlong pangunahing train system sa Metro Manila.
Ang nasabing hakbang ay kasunod na makaabot sa kalihim ang problema sa suplay ng Beep Card.
Paliwanag pa nito Dizon na ang problema ngayon ay ang kakulangan ng pagbabayad ng ilang rail lines kaya hindi nakakapag-deliver ng mga Beep Cards.