-- Advertisements --

Itinuturing ni Senador Sherwin Gatchalian na isang malaking kawalan para sa pamahalaan ang pagbibitiw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa pwesto. 

Ayon kay Gatchalian, naging mahalagang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad ang pamumuno ni Santiago, partikular sa pagsugpo sa mga sindikatong nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Nagpaabot naman ang senador ng pasasalamat kay Santiago sa ipinamalas nitong dedikasyon at kontribusyon para sa mas ligtas na Pilipinas.

Umaasa ang mambabatas na ipagpapatuloy ng sinumang papalit sa pwesto ang trabahong sinimulan ni Santiago at magpapatibay aniya ng law enforcement sa bansa. 

Nanungkulan si Santiago bilang hepe ng NBI noong Hunyo 2024.