-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Senado ang P6.7 trillion 2026 national budget sa ikatlo at huling pagbasa.

Mayroong 17-0-0 na boto para tuluyang maipasa ng Senado ang national budget.

Ayon kay Senate Finance Committee Chair Sherwin Gatchalian, na ang isa sa mga pagbabago ay ang pagbawas ng budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mas mababa sa P50 bilyon kumpara sa bersyon ng House of Representatives.

Dagdag pa nito na hakbang ng gobyerno para mapababa ang halaga ng contruction materials ay nakatipid ang gobyerno ng P50-B.

Tinaasan din nila ang budget para sa sektor ng edukasyon at pangkalusugan.

Makakatanggap ang National Disaster Risk Reduction Management Fund ng pondo na P14.82 bilyon para sa pagsuporta sa recovery ng disaster-stricken areas.