KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

CAGAYAN DE ORO CITY- Mariing itinanggi ng pulisiya ang ulat na bumalik umano ang operasyon ng KAPA Ministry sa probinsiya ng Bukidnon lalong-lalo na sa Valencia City.

Alinsunod ito sa kumalat na report sa social media kung saan ikinagalak ng mga KAPA members ang muling pag-operate ng kanilang grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Valencia City Police Dir. Lt Col. Surkie Serenias na wala itong katutuhanan at posibleng pakana lamang ng mga despiradong kasapi ni KAPA ministry.

Ayon kay Serenias na hanggang ngayon walang kautusan mula sa korte na pumapayag sa muling pagbabalik sa operasyon ng KAPA.

Ngunit, inihayag ng opisyal na kaniyang pinababantayan ang tanggapan ng KAPA sa Valencia City at kanilang hulihin ang mga kasapi nito na ayun sa ulat sekrito umanong nagpapatuloy sa kanilang ilegal na operasyon.