PDEA1

Nasa P6.8 million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa ang dalawang drug dealers sa ikinasang joint law enforcement operation ng AFP-PNP-PDEA sa may Amai Pakpak National Highway, Barangay Datu Saber, Marawi City bandang alas-11:45 ng umaga kahapon.

-- Advertisement --

Nakilala ang dalawang drug personalities na sina Jamil Khalid at Saranganu Bangcorong pawang mga residente ng Barangay Kiratan, Molundo, Lanao del Sur.

Narekober sa kanilang posisyon ang dalawang jumbo size plastic sachets at isang large zip lock transparent plastic sachets na naglalaman ng isang kilo ng shabu.

Ang nakumpiskang iligal na droga ay may market value na P6.8 million.

Nakuha din sa dalawa ang nasa P1.5 million halaga ng pera na buybust money.

Pinuri naman ni Westmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang PDEA BARMM, 103rd Brigade, 82nd Infantry Battalion, Marawi Police Station at 1403rd Regional Mobile Force Battalion dahil sa matagumpay na operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng PDEA BARMM ang naarestong dalawang drug personalities para sampahan ng kaukulang kaso.