Nasa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa apat na drug suspects na naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon sa Barangay Pasong Putik.


Kinilala ni QCPD director BGen. Ronnie Montejo ang mga nahuling drug personalities na sina Aiden Gray Ombar, 19-anyos; Alinor Logum aka Akie, 22-anyos; Jabber Pangandamun alias Jabber, 32-anyos at Jalalodin Jamal alias Jalal, 21-anyos.
Hinuli ang mga suspek matapos nilang bentahan ng P300,000 halaga ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer.

Narekober sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalaang shabu na may halagang P6.8 milyon, 2 cell phone, at isang Honda Civic.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni NCRPO chief MGen. Debold Sinas ang operatiba ng QCPD dahil sa matagumpay na drug operation.