Aabot sa P6.8 million halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila.

Naaresto ang tatlong suspek na target ng operasyon kung saan nakuha sa kanila ang 10 plastic na may laman na droga at 10 bundle ng mga pekeng pera na ginamit sa operasyon.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Major General Guillermo Elezar na ang tatlo ay maaaring sangkot sa sindikato.

Posible rin aniya na konektado ang mga ito sa naunang P10 million na shabu na nakuha noong Mayo.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.