Hawak na ng Manila Police District (MPD) ang tatlong drug personality na itinuturing na high value targets.

Aabot sa 800 gramo ng shabu ang nakumpiska sa kanila sa isinagawang anti-drug operation kanina sa Tondo, Manila.

May street value ang nakumpiskang droga na P5.7 million na ihahatid sana sa Paranaque, Pasay at ilang lugar sa Maynila.

Ayon kay MPD chief B/Gen. Bernabe Balba, nagmula ang grupo sa Cotabato at hawak ng iba pang personalidad na umano’y nag-utos sa kanila para mag-operate sa Metro Manila.