Hindi bababa sa P204 million na halaga ng iligal na droga ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang hotel sa Norzagaray, Bulacan.
Nagsagawa ang operatiba ng buy-bust operation sa naturang lugar at nagresulta sa pagkaka aresto ng tatlong indibidwal.
Kinilala ito ng PDEA na sina alayas Jessie, 44 anyos, Kristina, 36 anyos at JB , 21 anyos.
Inaresto ang mga suspect matapos itong magbenta ng dalawang kilo ng shabu katumbas ng P13.6 million sa poseur-buyer ng PDEA.
Ayon sa PDEA, ng suriin nito ang mga gamit ng suspect ay nakuha rin ang nasa 28 kilo ng shabu na may street value na aabot sa P190.4 million.
Maliban sa ipinagbabawal na gamot, nakuha rin ng PDEA ang isang sasakyan , mobile phone at IDs.
Mahaharap ang mga naaresto na suspect sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.