BGC in Taguig City
Bonifacio Global City (BGC), Taguig City

Aabot sa P5.6 milyong na halaga ng iba’t ibang uri ng ecstasy drugs at liquid kosh na ginagamit sa vape ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City kaninang madaling araw.

Bitbit ang search warrant ay kanilang pinabuksan ang safety deposit box ng hotel at doon tumambad ang ilang daang piraso ng droga kasama na ang cocaine.

Ang nasabing operasyon ay follow-up sa pagkakaaresto ng isang drug pusher sa nasabing hotel noong nakaraang buwan.

Nakatakdang pulungin ng PDEA ang mga may-ari ng hotels dahil sa bagong modus na doon na ginagawa ang mga transaksyon.