Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag na P40 sa arawang sahod ng mga manggagwa sa pibadong sektor sa National Capital Region (NCR).
Base sa inilabas na Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro Manila Wage Order No. NCR-24 na ang nasabing dagdag sahod ay para sa mga minimum wage earner ng non-agricultural at agricultural sector.
Dahil dito ay magiging P610 na ang minimum wage sa NCR mula sa dating P570 para sa mga non-agricultural sector workers. Habang ang mga nasa agricultural sector, services at retail establishments na may empleyado ng 15 o mababa ganun din ang mga manufacturers sectors na mayroong 10 o mababa na empleyado ay magiging P573 na mula sa dating P533.
Huling nagpatupad ng wage order para sa mga private establishiments sa NCR ay noong Mayo 13, 2022 na naging epektibo noong Hunyo 4, 2022.
Magigint epektibo lamang ito 15 araw. matapos na mailathala sa mga official publication o sa darating na Hulyo 15, 2023.