Inanunsyo ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang alok na P3 million na pabuya para sa ikadarakip nina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at dating deputy officer nito na si Ricardo Zulueta.
Ang dalawa kasi ay pawang mga akusado sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Justice spokesman Asec. Mico Clavano, P2 million ang nakalaang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon upang madakip si Bantag, at P1 million naman para kay Zulueta.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong pagpatay kina Lapid at bilanggong si Jun Villamor, na umano’y middleman sa pagpatay sa naturang mamamahayag.
“It is crucial that these individuals are brought to justice and held accountable for their alleged actions. Your cooperation can make a significant difference in ensuring the swift apprehension of Bantag and Zulueta and providing closure to the families of the victims,” wika ni Clavano.