Binayo ng Bagyong Danas (dating Bising) ang kanlurang bahagi ng Taiwan noong Linggo ng gabi, na may lakas ng hangin na umaabot sa 220 kilometro kada oras, at nagdulot ng malawang pinsala, kabilang ang 2 nasawi at higit 500 sugatan.
Iniulat na karaniwang tinatamaan ng bagyo ang silangang bahagi ng isla, ngunit bihirang tumama sa mataong lugar kung saan naroroon ang karamihan ng populasyon. Dahil sa panganib, isinara na ang mga establishimento at paaralan sa lungsod.
Batay sa mga awtoridad mahigit 700 punongkahoy ang nabuwal, libo-libong kabahayan din ang nawalan ng kuryente, at mahigit 300 flight ang kinansela.
Bukod dito nasira din ang ilang kalsada, poste, at gusali kabilang ang isang bahagi ng templo sa Tainan
Ayon kay Taiwan President Lai Ching-te, “The typhoon track is rare… the whole of Taiwan will be affected by the wind and rain one after another.”
Hinihimok niya ang mga mamamayan na maghanda laban sa malawakang epekto ng bagyo.
Samantala sa China, itinaas na rin ang alert level sa Zhejiang province habang inaasahang tatama ang Typhoon Danas sa pagitan ng mga lungsod ng Taizhou at Fuzhou sa Martes ng gabi.
Suspendido narin ang nasa 121 barko at 64 ferry routes para sa kanilang gagawing paghahanda.