-- Advertisements --

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Board of Investments (BOI) ang 13 bagong proyekto nito na nagkakahalaga ng P26.43 billion.

Kabilang dito ang mga IT-BPM service centers sa mga pangunahing lungsod sa Luzon na magbibigay ng trabaho sa mga global HR work at remote staffing.

Inaprubahan din ang nasa halos P1.8 billion na mass housing projects na magdadagdag ng mga abot-kayang bahay para sa mga Pilipino.

Samantala, mahigit P23 billion naman ang ilalaan para sa mga proyekto sa solar at wind energy, na magdaragdag ng higit sa 320 megawatts ng bagong kapasidad ng ahensya upang mapabuti ang seguridad sa enerhiya.

Inaprubahan din ang pagpapalawak ng food manufacturing, na inaasahang magbibigay ng trabaho sa sektor ng agro-processing at logistik.

Ang mga proyekto ay inaasahang makakapagbigay ng higit sa 2,600 na bagong trabaho sa buong bansa.