-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT) si Dita Angara-Mathay.

Papalitan nito si Christina Frasco, na naitalaga na bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Si Angara-Mathay ay nagsilbi bilang Commercial Counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo, Japan na siyang nangangasiwa sa strategic partnerships sa mga Japanese industries.

Ang kaniyang pagkakatalaga ay sumasalamin sa patuloy na pagsusulong ng administrasyon para mapalakas ang turismo sa bansa.