-- Advertisements --

Ipinahayag ni DTI SEC. Cristina Roque na isinusulong ng Association of Southeast Asian Nations ang ratipikasyon ng Association of Southeast Asian Nations Petroleum Security Agreement (ASEAN-APSA) upang mapalakas ang regional fuel cooperation.

Ayon kay Roque, layunin ng kasunduan na magkaroon ng coordinated emergency fuel sharing sa pagitan ng mga bansang miyembro kapag may oil supply disruption o krisis sa enerhiya.

Kasabay nito, tinutulak din ang pagbuo ng ASEAN-wide power grid upang mas maging episyente ang paglipat at pagbabahagi ng kuryente sa rehiyon.

Binigyang-diin din ng ASEAN ang pangakong panatilihing bukas ang kalakalan, iwasan ang export bans sa essential goods, at palakasin ang food at energy security lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon sa pahayag, bahagi rin ng plano ang suporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) upang mapanatili ang trabaho at katatagan ng ekonomiya sa gitna ng global shocks. (report by Bombo Jai)