Nagsimula na ang midterm elections sa Estados Unidos, kung saan boboto ang mga mamaayan ng America upang pumili ng mga bagong kinatawan sa House of Representatives at Senado.
Kasalukuyang kontrolado ng Republican Party, partido ni Pangulong Donald Trump, ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Dahil dito, mahalaga ang resulta ng halalan sa pagpapatupad ng kanyang mga polisiya sa natitirang dalawang taon ng kanyang termino.
Lahat ng 435 puwesto sa House of Representatives ay nakatakdang pagbotohan. Sa 18 distritong itinuturing na toss-up o mahigpit na labanan, 14 ang kasalukuyang hawak ng Republicans at apat naman ng Democrats.
Alas-8 ng gabi noong Nobyembre 3, binuksan ang mga presinto sa Florida, Delaware, Georgia, Illinois, Louisiana, Maryland, Massachusetts, Michigan, Missouri, Pennsylvania, Rhode Island, South Carolina at Washington, D.C.
Mas maaga ring nagsimula ang botohan sa ilang bahagi ng East Coast, kabilang ang Maine at Ohio, na kapwa itinuturing na mahahalagang swing state.
Samantala, mahigit 58.6 milyong Amerikano na ang nakapagbigay ng kanilang boto sa pamamagitan ng early voting at mail ballots bago ang mismong araw ng halalan.















