-- Advertisements --
Inakusahan ni US President Donald Trump ang Democrats na humihiling na sana ay matalo ang US sa giyera nila sa Iran.
Sinabi nito na gagamitiin ng Democrats ang nasabing giyera para pabagsakin ang Republican Party ang partido na kinaaaniban ni Trump.
Una ng sinabi ni Trump na hindi naman dapat tawagin na giyera ang laban nila ng Iran at sa halip ito ay military conflict.
Minaliit din lamang nito ang pag-atake nila sa Iran kung saan kayang-kaya nila itong talunin ng hindi nagbubuwis ng maraming buhay sa panig ng Amerika.
Magugunitang muling inatake ng US ang Iran matapos ang ginagawang pag-atake nila sa mga barko na dumadaan sa Strait of Hormuz.
















