Hinamon ni National Bureau of Investigation Director Atty. Melvin Matibag ang mga indibidwal nagsasabing may motibong pamumulitka ang ginagawa ng kawanihan sa mga naganap na operasyon pag-aresto kamakailan.
Hamon ng naturang direktor sa mga ito na magsampa ng kaukulang kaso laban sa kanila kung naniniwalang hindi sila nakabase sa ebidensya.
Paliwanag kasi niya’y ang mga kawani ng National Bureau of Investigation ay nakatuon ang pokus sa mga ebidensyang nakakalap sa pagsasagawa ng operasyon.
Kanyang itinanggi na mayroon impluwensya ng pulitika sa kung sino ang kanilang aarestuhin, taliwas sa mga ipinakakalat o alegasyon ng ilan.
Dahil rito’y hling niya na maging patas sa pagtrato o pagturing lalo na partikular sa mga ‘agents’ o tauhan nito na ginagawa lamang ng maayos ang trabaho.
Binigyang diin ni Director Matibag na anuman ebidensyang nakalap ay patuloy iimbestigahan at titiyakin hindi magpapaapekto sa anumang opinyon ng iba.














