Aabot sa P20 million halaga ng suspected shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buybust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspeks na sina Wu Lianlai, Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr at Christopher Dela Cruz na nakatira lahat sa Cadena de Amor Street, Bahayang Pag-Asa, Brgy. Mayson, Valenzuela City.

Nakuha sa mga dito ang aabot sa tatlong kilo ng pinaghihinalaang shabu at mga pera na ginamit sa buybust operations.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.