-- Advertisements --

Sisimulan na ring ibenta ang P20 kada kilong bigas sa Mindanao sa Hulyo 2025.

Ayon kay Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., target ng ahensiya sa phase 2 ng programa ang mga lugar na may mataas na poverty incidence sa Mindanao region.

Primerong ilulunsad aniya ang programa sa Zamboanga del Norte na may isa sa pinakamataas na poverty incidence na nasa 37.7%.

Sunod sa Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Davao Oriental at Sorsogon.

Ayon sa DA chief, ang ikatlong bahagi naman ng programa ay ilulunsad sa Setyembre sa mga probinsiya ng Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani at Dinagat Island.

Matatandaan, inisyal na inilunsad ng ahensiya ang pagbebenta ng murang bigas sa Visayas region at sa ilang Kadiwa stores sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya.