-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Laurel Jr. na isasama na rin ang mga guro at non-teaching personnel mula sa pampublikong paaralan sa P20/kilo rice program simula sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na aniya ang ahensiya sa Department of Education (DepEd) para makapaghanda sa panibagong yugto ng programa.

Isinasapinal na aniya ang listahan ng mga benepisyaryo subalit may tiyansa aniyang isama ang lahat ng school personnel depende sa salary-grade.

Ipinaliwanag ng DA chief na ikinokonsidea nila sa paghahanda sa pagpapatupad ng programa ang dami ng manpower ng DepEd bilang isa sa pinakamalaking ahensiya ng gobyerno, na mayroong 800,000 guro at staff sa buong bansa.

Target naman i-rolyo ang bente pesos na bigas para sa mga school personnel sa Oktubre 15.