Nasa P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga kapulisan sa isang drug buybust sa lungsod ng Makati.

Isinagawa ang nasabing buybust operation sa isang bahay sa M.H Del Pilar, Brgy. Rizal pasado 1 ng madaling araw ng Sabado.

Naaresto sa operasyon ang dalawang lalaki at isang babae matapos bentahan nila ang isang pulis na nagpanggap na isang buyer.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.