-- Advertisements --

Napiling host ang Pilipinas sa isang ‘world-class ‘ pole vault tournament.

Isasagawa ang torneo sa Ayala Triangle Garden sa lungsod ng Makati mula Setyembre 20 hanggang 21.

Sinabi ni Filipino pole vault star Ej Obiena na lalahok sa torneo ang mga malalaking pangalan ng pole vault.

Mula aniya noong ito ay lumahok ng torneo sa Europa ay matagal na niyang pinangarap na magkaroon ito sa Pilipinas.

Ang tournament proper ay gaganapin sa Setyembre 21 na ito ay sanctioned ng World Athletics, Asian Athletics at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).