-- Advertisements --

ncrpo2

Nasabat ng mga tauhan ng Caloocan PNP ang nasa 25.7 kilos na hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P174 million mula sa magkapatid sa ikinasang buy bust operation sa Barangay 188,Tala, Caloocan City kaninang umaga.

Kinilala ni NPD Director BGen. Ronnie Ylagan ang naarestong magkapatid na sina KALIF LATIF, 24-anyos at AKISAH LATIF, 18 years old.

Ayon naman kay Caloocan City Police Chief, Police Colonel Samuel Mina, ang nakakatandang Latif ay kabilang sa BADAC watchlist.

Kasama nito sa kaniyang illegal drug activities ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid.

Narescue naman ang isa pa nilang kapatid na 14 years old.

ncrpo1

Ayon kay Mina ang mga nasabat na shabu ay nakalagay sa 44 transparent plastic bags at naka packed sa loob ng isang Chinese Tea packaging na may pangalan na “Qing Shan”.

Nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings ang magkapatid habang ang isa nilang kapatid ay tinurn over sa City Social Welfare and Development Office.

Mahigpit naman ang bilin ni NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr. sa mga District Police Directors nito na palakasin pa ang kanilang anti-illegal drugs operations laban sa mga drug personalities sa kanilang mga areas of responsibilities (AOR).

Sinabi naman ni Danao na ang matagumpay na buy bust operation ay bunsod sa pinalakas na intelligence driven operation.

Hinimok naman ng heneral ang publiko na tulungan ang pulisya sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga ng sa gayon mapanagot ang mga nasa likod ng illegal drug trade.

Binigyang-diin ni Danao na hindi mag-aatubili ang PNP na arestuhin at papanagutin ang mga drug lord.

“This is a result of intensified and intelligence driven operation of our operatives as support to the flagship program of our President Rodrigo Roa Duterte in the campaign to erradicate all forms of illegal drugs and High Value Individuals,” wika ni Danao.

Samantala, pinuri ni PNP Chief , Police General Debold M Sinas, ang matagumpay na operasyon ng Northern Police District (NPD) sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO Director BGen. Vicente Danao.