Duterte with Sports
President Duterte awards cash

Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga atletang nagwagi ng medalya sa iba’t ibang international sports competition.

Ayon kay Sen. Bong Go, binigyan ni Pang. Duterte ng tig P1-milyong pisong cash incentive sina Carlos Edriel Yulo na nakasungkit ng gold medal sa world artistic gymnastics championship sa Germany at maging si Nesthy Petecio, isa ring gold medalist sa AIBA Women’s World Boxing championship sa Russia.

Isang milyong piso rin ang iniabot ng Pangulo kay Ernest John Obiena na nakapaguwi rin ng pole vault gold sa kompetisyon sa Italy nito lamang Hulyo.

Bukod sa kanila, binigyan rin ng pangulo ng tig- P500 thousand sina Hidilyn Diaz na nakapaguwi ng dalawang bronze medals sa 2019 International Weightlifting Federation World Championships sa Thailand at si Eumir Marcial na silver medalist sa AIBA World Boxing Championships sa Russia.