-- Advertisements --

Maghanda na ang mga motorista sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo matapos ang isang malaking rollback ngayong linggo. Ayon sa mga kumpanya ng langis, inaasahan ang mga sumusunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel:

  • Diesel —P1.10 hanggang P1.40 kada litro
  • Gasolina —P1.30 hanggang P1.60 kada litro

Ang pagtaas ng presyo ay dulot ng patuloy na mga sigalot sa global supplies ng langis kasunod ng pressure mula sa Estados Unidos sa Iran at mga bagong sanctions laban sa Iranian oil exports.

Bukod dito, plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ang produksyon ng ilang miyembrong bansa at ang kasalukuyang maintenance season ng mga refinery na nagdudulot din ng pangamba sa suplay.

Samantala ‘wala pang inilalabas na anunsyo mula sa iba pang mga kumpanya ng langis, ngunit inaasahan na rin ang katulad na pagtaas ng presyo sa mga susunod pang araw.