Magpapatupad muli ang mga kompanya ng langis ng panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na magiging epektibo sa Martes, Nobyembre 18.
Inaasahang magpapatupad ng umentong P1.20 kada litro sa sa gasolina at diesel.
Wala namang pagbabago sa presyo ng kerosene dahil umiiral pa rin ang nationwide price freeze matapos ideklara ang state of national calamity.
Epektibo ang dagdag-presyo simula ala-6 ng umaga para sa karamihan ng kompanya, habang alas-4:01 ng hapon naman ipapatupad sa ibang kumpanya.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahan na ang pagtaas dahil sa US sanctions laban sa Russian oil at positibong pagresolba ng US government shutdown.
Ito na ang ikapitong sunod na linggo ng pagtaas sa gasolina at ikaapat na linggo para sa diesel. Sa year-to-date data hanggang noong Oktubre 28, umabot na sa P16.50/L ang net na dagdag sa gasolina, P19.15/L sa diesel, at P6.55/L sa kerosene.
















