-- Advertisements --
Magpapatupad ng halong pagtaas at pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil companies simula sa Martes, Disyembre 2, 2025.
Ayon sa advisory ng ilang kumpanya, bababa ang presyo ng diesel sa P2.90 kada litro, samantalang tataas naman ang presyo ng gasolina ng P0.20 kada litro.
Inaasahang mag-aanunsyo rin ng kani-kanilang price adjustments ang iba pang kumpanya sa loob ng araw.
Batay sa Department of Energy, naapektuhan ng posibleng ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine ang global crude prices, na maaaring mag-alis ng Western sanctions sa langis ng Russia.
Dagdag pa ng ahensya, nakatuon rin ang investors sa posibleng oversupply sa pandaigdigang merkado.















