ofws uae
-- Advertisements --

Humihiling ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Kongreso ng karagdagang budget na umaabot sa halos P10 billion para sa repatriation requirements ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni OWWA administrator Hans Cacdac, ang pagtaas sa gastusin ng OWWA ay bunsod ng mas matagal na pananatili ng mga umuuwing OFWs sa mga quarantine facilities lalo sa mga hotel.

Ayon kay Cacdac, sa ngayon kasi ay inaabot ng pito hanggang siyam na araw ang isang OFW sa quarantine hotel mula sa dating isa hanggang tatlong araw habang hinihintay ang RT-PCR test.

Inihayag ni Cacdac na sapat pa naman ang pondo hanggang Mayo o Hunyo pero hindi pwedeng saka na lang hihingi ng saklolo kapag huli na o ubos na ang pondo.

Nasa 2,000 hanggang 3,000 OFWs umano araw-araw ang dumarating sa bansa na agad idinidiretso sa mga quarantine hotels.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nasa 10,000 returning OFWs ang nasa 140 quarantine hotels.