-- Advertisements --

Ibinunyag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na hindi nagbitiw sa kaniyang puwesto si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio at sa halip ay tinanggal ito sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Cacdac na pumasok si Ignacio sa maanomalyang transaksyon gaya ng pagbili ng lupain ng nagkakahalaga ng P14-bilyon na hindi aprubado ng board ng OWWA.

Dagdag pa ni Cacdac na pinalitan si Ignacio dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng opisina dahl sa nasabing transaksyon.

Pinasok ang kasunduan noong Setyembre 2024 subalit taong 2023 pa ay nabilil na ang lupa at lumabas lamang ang deed of sale, absolute sale noong 2024.

Ipinarating na nito kay Pangulong Marcos kung saan inihahanda na nila ang nasabing kaso.

Magugunitang pinalitan ni Atty. Patricia Cuanan si Ignacio bilang bagong OWWA administrator.