-- Advertisements --

May mahigpit na direkta si Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III na kaniyang tatanggalin sa serbisyo ang mga kapulisan na hindi magbabawas ng kanilang timbang.

Sinabi nito na bibigyan niya ng isang taon ang mga kapulisan para magbawas ng timbang.

Isinaad nito ang nilalaman ng Section 30 of Republic Act No. 6975 o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990 na ang timbang ay hindi daat sobra ng limang kilos ng kaniyang tangkad.

Sa ilalim ng kanilang panuntunan na ang mga kapulisan na lagpas sa standard na timbang ay bibigyan ng mula anim hanggang isang taon para ma-normalized ang timbang.

Sakaling hindi pa rin nabawas ang timbang ng isang taon ay doon na sila masisibak sa tungkulin.

Habang ang mga mayroong medical conditions ay mahaharap sila ng compelete disability discharge o kaya maililipat ang mga ito sa administrative work.