-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III na patuloy na gaganap ang mga miyembro ng Kamara sa kanilang tungkulin sa kabila ng mga nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa flood control anomaly, dahil bahagi aniya ng paglilingkod-bayan ang pananagutan at hindi ito makakahadlang sa mandato ng institusyon.

Tugon ito ni Dy matapos magsumite ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ng panibagong joint case referral sa Office of the Ombudsman.

Binigyang-diin ni Speaker Dy na anuman ang mangyari, nananatiling nakatuon ang Kamara sa tungkulin nitong maglingkod sa bayan at ang lahat ng miyembro, iniimbestigahan man o hindi ay handang makipagtulungan.

Siniguro ni Dy na laging uunahin ng Kamara ang kapakanan ng sambayanang Pilipino at maglilingkod nang tapat at may integridad.