-- Advertisements --
Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na sila ay maghihigpit laban sa e-bikes at e-trikes simula sa Disyembre 1, 2025.
Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, na agad nilang i-impound ang nasabing mga e-bike na makitang minamaneho sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
Labis aniyang nakakabahala ang pagsulpot ng mga e-bikes kung saan mga bata pa ang nagmamaneho.
Magsasagawa muna sila ng information drive sa Disyembre 1 para mabalaan ang mga gumagamit ng e-trikes.















