-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Kasabay ng mariing pagtanggi sa kumalat na misinformation sa social media na ipinagbawal umano ang pagdaraos ng Christmas party sa mga paaralan, hinikayat rin ng Department of Education Regional Office 6 sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na magbigay ng regalo sa mga mahihirap at kapuspalad na estudyante.

Ayon kay DepEd Region 6 spokersperon Hernani Escullar Jr., magiging mas makabuluhan ang Pasko sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.

Kasabay nito, nilinaw ni Escullar na wala pang ipinapalabas na direktiba ang DepEd central office kaugnay sa pagsasagawa ng mga Christmas party.

Ngunit, katulad sa mga nakaraang taon, patuloy ang paalala ng ahensiya na iwasan ang magagarbo at magastos na Christmas party para sa mga bata, kahit pa aprubado ito ng mga magulang.

Samantala, magsisimula aniya ang Christmas break sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa Dec. 20, 2025, hanggang Jan. 5, 2026.

Upang maiwasan ang fake news, hinikayat ni Escullar ang publiko na makabubuting bisitahin lamang ang verified DepEd Philippines social media accounts at website para sa mga opisyal na update.