NAIA
NAIA

Sinuspinde muna ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang overnight parking sa lahat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal parking areas.

Mananatili ang naturang suspension hanggang sa January 5, 2020.

Layon ng temporary interruption ng nasabing serbisyo na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mga motorista na makagamit sa parking areas ng NAIA terminals.

Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mas malaking volume ng mga pasahero sa paliparan ngayong papalapit ang bagong taon at pagkatapos ng New Year kung saan mag-uuwian na ang mga galing ng probinsiya at ang mga nagtungo ng Maynila ngayong holiday season.

Samantala, ang mga karagdagang kanseladong flights ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon ang flight na (M8) Skyjet M8 816/817 Manila-Basco-Manila at (DG) Cebgo DG 6009/6010 Manila-Basco-Manila.