-- Advertisements --

Ikinagulat ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) adminstrator Arnell Ignacio ang pagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa pagbili ng ahensiya ng P1.4 bilyon na halaga ng lupain.

Sinabi nito na noon pang 2018 habang siya ay deputy adminstrator lamang ng lumabas ang nasabing planong pagbili ng lupa.

Kasama niya ang ilang opisyal ng OWWA sa pagdinig sa senado ukol sa nasabing usapin.

Giit nito walang anumang iregularidad ang nasabing kontrata dahil isinannguni pa nila ito sa Department of Budget and Management habang ang bibilhin na lupain sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA)terminal 1 ay mismo ang LandBank ang nagsagawa ng valuation kung saan nakakuha sila nga permit din sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ang nasabing lupain ay pagtatayuan sana ng mga panandaliang pagpapahingaan ng mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW).