-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) na matanggal ang limang aiport police.

Kasunod ito sa reklamo ng labis na paniningil ng pamasahe ng taxi driver mula sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon na kanilang sususpendihin muna ang mga ito at idadaan sa imbestigasyon hanggang tuluyan silang matanggal.

Dagdag pa ng kalihim na inamin ng taxi driver sa kaniya na napipilitan itong magbigay ng 40 percent ng kaniyang kita sa mga airport police.

Sakaling mabigo ito ng magbigay ay pag-iinitan siya ng mga ito at hindi na papayagang makapasok sa NAIA.

Inatasan na rin ni Dizon ang Manila International Airport Authority na imbestigahan ang nasabing kalakaran.