Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nakitang maraming pagbabago sa NAIA terminal 3.
Ininspeksyon kaninang hapon ng Pangulo ang mga pinakabagong pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa ilalim ng New NAIA Infrastructure Corporation o NNIC.
Ayon sa pangulo na personal niyang binisita ang naia terminal 3 para makita mismo ng sariling mga mata ang mga sinasabi at naririnig niyang improvements.
Batay sa kaniyang nasaksihan, masasabi niyang marami namang nakitang pagbabago sa mga pasilidad hindi lamang para sa mga ofw, kundi maging sa lahat ng mga bisita dayuhan man o lokal na turista.
May panibagong programa aniya silang pinag aaralan para higit pang mapabilis ang daloy ng mga biyahero sa immigration area.
Kung matatandaan, itinurnover ng gobyerno sa NNIC ang operasyon ng NAIA noong September 2024 kung saan sumailalim ito sa serye ng upgrades.
Bago nag ikot kanina ay binigyan muna ang pangulo ng maikling briefing hinggil sa mga pagbabagong nagawa ng NNIC sa paliparan.
Kasunod nito ay nag walk through o inikot na ng Pangulo ang ibat ibang lugar sa paliparan para tingnan ang mga pagbabago.