Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palalakasin ng gobyerno ang operational capabilities ng bansa sa ilalim ng 2024 General Appropriations Program.
Ito ay sa harap ng tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea at sa patuloy na pagiging agresibo ng China.
Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Marcos bukas ang P5.768 Trillion ang panukalang pambansang pondo.
Aminado naman ang Pangulo na kahit buhusan pa umano ng pondo ang defense capabilities ng bansa hindi pa rin ito kayang pantayan ang pwersa ng China.
Una ng inihayag ng Pangulong Marcos na mag-iiba ng estratehiya ang Pilipinas sa pagharap sa China sa pagtugon sa isyu sa West Phl Sea.
Inihayag din ng Pangulong marcos na patuloy na makikipag alyansa ang Pilipinas sa mga bansa sa Indo-Pacific region at sa iba pang mga bansa sa mundo para magkaroon ng nagkakaisang boses.