-- Advertisements --

Matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng online voting ng mga Overseas Filipino Workers ngayong 2025 midterm elections, plano ngayon ng pamahalaan na ipagpatuloy ito para sa 2028 Presidential Elections.

Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Ginawa ng kalihim ang pahayag sa kabila ng mga agam-agam na baka hindi na ito ipagpatuloy sa kabila ng naging matagumpay na implementasyon ng naturang sistema.

Binigyang diin ng kalihim na bukas ang kanilang ahensya sa dayalogo kasama ang Commission on Elections.

Target nilang talakayan ang mga pamamaraan o hakbang upang mas lalo pang maging mahusay ang implementasyon ng naturang sistema sa pagboto.

Aniya, maraming mga OFWs ang makikinabang sa online voting upang hindi na sila bumyahe ng malayo para lamang makapunta sa mga polling center sa kanilang mga bansang pinagtatrabahuhan.