LAOAG CITY – Arestado sa entrapment operation na isinagawa ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang online seller na nagtitinda ng overpriced alcohol sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Kinilala ni Atty. Diosdado Araos, pinuno ng NBI sa Ilocos Norte ang suspek na si Jeffrey Cuepo, residente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pasuquin.

Sinabi ni Araos na dalawang araw silang nakitransaksyon kaya Cuepo sa pamamagitan ng Facebook at text messages.

Aniya, nakumpiska nila ang 30 litrong alcohol mula sa suspek at masasabing overpriced dahil umaabot sa P280 ang kada litro.

Paliwanag niya na base sa Department of Trade and Industry at mga pharmacia ay umabot lamang sa P140 hanggang P160 ang presyo ng kada litrong alcohol.

Isinampa kaagad ang reklamo laban sa nasabing suspek.