-- Advertisements --

Naniniwala ang Malakanyang na mayruong pangangailangang magkaroon ng mas malalim at mas malawak pang imbestigasyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito’y matapos lumabas sa intelligence report na posibleng may kaugnayan umano ang ilang personalidad na sangkot sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng imbestigasyon upang matukoy ang buong lawak ng insidente.

Nilinaw naman ni Castro na wala silang deklarasyong may guilty na sa pangyayari subalit buo aniya ang paninindigan ni Pangulong Marcos na mabigyan ng hustisya ang mga biktima.