-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pa sila tapos sa kaso ni Senator Joel Villanueva ukol sa dismissal order nito noong 2016 na sekretong ibinasura ni dating Ombudsman Samuel Martires.

Ayon kay Remulla na labis itong nalulungkot dahil sa pagbasura ng kaniyang pinalitan sa puwesto ang kasong kinasasangkutan ni Villanueva.

Inireklamo si Villanueva dahil sa hindi tamang paggamit ng kaniyang 2008 Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong ito ay kongresista pa lamang.

Dagdag pa ni Remulla na ipinapalabas ngayon ng Senador na tila hinaharass siya ngayon dahil sa kaso.

Hindi rin sinabi ni Villanueva aniya na nabaligtad ang kaso ng Ombudsman noon at patuloy ang kaniyang pananahimik.

Natitiyak niya na pag-aaralan nila ang kaso dahil sa ang Senador at si Martires lamang umano ang nakakaalam ngayon.